Idaraos ang inagurasyon ng lokal na pamahalaan ng Ilagan sa Isabela ang bagong gawang Ilagan Sports Complex sa susunod na Linggo.

Ayon kay Paul Bacungan, designated information officer ng Local Government Unit (LGU) ng Ilagan City, ang Ilagan Sports complex ay nakahanda na para sa finishing touches nito at itinakda ang inagurasyon sa Nobyembre 23, 2015.

Noong nakalipas na taon, inihayag ni Ilagan City Mayor Josemarie L. Diaz ang planong pagpapatayo nito na papangalanang Paguirigan Stadium at ito ay pinondohan ng city government.

Ang pagpapagawa sa sports complex ay bilang paghahanda para sa pagho-host ng lungsod sa gaganaping 2016 Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA), na magsasama-sama ang mga delegado mula sa ibang probinsiya sa rehiyon para sa iba’t ibang kumpetisyon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagpupulong na ang Department of Education (DepEd)-Ilagan City at ang pamahalaang lungsod upang paghandaan ang CAVRAA 2016, at tiyaking magiging matagumpay ito. (PNA)