Mga Laro sa Huwebes (Nov. 19)
Marikina Sports Center
7:00p.m. - Far Eastern University-NRMF vs Our Lady of Fatima University
8:30p.m. Hobe Bihon-Cars Unlimited vs Fly Dragon Logistics
Laro sa Sabado (Nov. 21)
7:00p.m. – Macway Travels vs Power Innovation Philippines
8:30p.m.- Far Eastern University-NRMF vs Mindanao Agilas
Team Standings:
Group A:
FEU-NRMF (3-0); Hobe Bihon-Cars Unlimited (3-1); Metro Pacific Toll Corp (2-2); Mindanao Aguilas (1-2); Fly Dragons (0-2); OLFU (0-2)
Group B:
PCU (3-1); Macway Travel (2-1); Sta. Lucia Land (2-1); Power Innovation (2-2); Austen Morris Associates (2-2); PNP (0-4)
Ipinalasap ng Far Eastern University (FEU)-NRMF sa Hobe Bihon-Cars Unlimited ang una nitong kabiguan habang napanatili ng Tamaraws ang malinis nitong kartada sa pagtala ng 67-60 panalo laban sa two-time champion nitong Sabado ng gabi sa 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.
Huling nagtabla ang iskor sa 60-all, may 2:39 na lang ang natitira sa laban. Mula rito ay hinigpitan ng FEU-NRMF ang depensa nito sa Hobe habang naghulog ng 7-0 run para masungkit ang ikatlong panalo sa sindaming laro.
Gumawa ng 14 na puntos at siyam na rebound si Prince Eze at nag-ambag ng 12 puntos at siyam na rebound si Bright Akhuetie para sa FEU-NRMF.
Ang Hobe Bihon, na nagkampeon sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del de Guzman noong 2012 at 2013, ay pinangunahan ni Bon-bon Custodio na may 23 puntos at anim na rebound.
Sa isa pang laro noong Sabado, kinuha ng Sta. Lucia Land Inc., ang 82-79 panalo sa Macways Travel.
Umiskor ng 25 puntos at humugot ng pitong rebound si Eric Rodriguez at may 21 puntos at pitong rebound naman si Aguara Jeffakins para sa Realtors.
Si Niño Marquez ay gumawa ng 24 na puntos para sa Macway Travel, na nagtamo ng unang kabiguan sa tatlong laro.
Noong Linggo, sa ligang sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA -Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at nina Mr. and Mrs. Dot Escalona, ay tinisod ng Austen Morris Associate ang Power Innovation, 90-86.
Magbabalik ang liga sa Huwebes, sa paghaharap ng Far Eastern University-NRMF at Our Lady of Fatima University sa unang laro, at magsasagupa ang Hobe Bihon-Cars Unlimited at Fly Dragon Logistics sa ikalawang laro.
Mabibili ang ticket sa halagang P10 lang.
Para sa resulta ng mga laro, maaaring bisitahin ang www.sports29.com. (ANGIE OREDO)