Nag-init ang mga kamay ni Aljun Melecio at nagtala ng personal best na 42 puntos upang pamunuan ang De La Salle-Zobel sa panggulat sa defending champion na Ateneo, 84-71, sa opening day ng UAAP Season 78 Juniors Basketball tournament nitong weekend sa Blue Eagles gym.

Naglalaro na para sa kanyang huling season sa Junior Archers, nagtala rin si Melecio ng walong rebound at tatlong steal sa nasabing impresibong all-around performance.

Paboritong makapagtala ng back-to-back title ang Blue Eaglets sa kabila ng pagkawala ng magkapatid na sina Matthew at Mike Nieto.

Nanguna para sa Ateneo ang last year’s Finals MVP na si Jolo Mendoza, na nagtapos na may 16 na puntos, habang nagdagdag naman si Gian Mamuyac ng 11 puntos at tig-pitong rebound at assist.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa iba pang mga laro, tinalo ng dating kampeon na National University (NU) ang Adamson University, 61-55, ginapi ng Far Eastern University (FEU)-Diliman ang UP Integrated School, 58-52, habang nakaungos ang University of Santo Tomas (UST) kontra University of the East (UE), 77-73. (Marivic Awitan)