Magdaraos ang Commission on Elections (Comelec) ng public consultation sa plano nitong magdaos ng mall voting sa eleksiyon sa Mayo 9, 2016.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, plano nilang isagawa ang public hearing bago matapos ang Nobyembre.
Iimbitahan ng Comelec ang mga partido pulitikal, gayundin ang general public, upang malaman ang kanilang opinyon sa planong magsagawa ng botohan sa mga shopping mall.
Isinusulong ng Comelec ang mall voting para maging mas kumbinyente at mas ligtas para sa mga botante.
Bagamat maraming grupo ang tutol dito, sinabi ni Bautista na naniniwala ang Law Department ng poll body na may legal grounds para sa mall voting.
Una nang sinabi ni Senate Electoral Reforms and People’s Participation Committee Chairman Aquilino Pimentel III na nakasaad sa Section 42 ng Omnibus Election Code na ang botohan ay dapat isagawa sa mga pampublikong lugar.
(Mary Ann Santiago)