Isang biyuda na dating kawani ng gobyerno ang namatay matapos siyang mabundol ng isang rumaragasang bus habang naglalakad siya sa Caloocan City, nitong Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center si Perla De Luna, 66, No. 126 Nadurata Street, 9th Avenue, West Grace Park, ng nasabing lungsod, dahil sa pagkakabagok ng ulo at sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa laban sa driver ng bus na si Rogelio Ariaga, 53, na kusang loob na sumuko matapos ang insidente.

Kuwento ni SPO3 Virgilio Menina, ng Caloocan Police Traffic Unit, dakong 6:00 ng gabi at naglalakad si De Luna sa Mac Arthur Highway patungong EDSA nang bigla siyang binundol ng Stella Mae Star Bus (UVM- 533) na minamaneho ni Ariaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon ang biktima at humampas ang ulo sa semento, na siya nitong ikinasawi.

(Orly L. Barcala)