Pinatawan ng 90-day preventive suspension ng Sandiganbayan ang 13 opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) at ng dalawa pang ahensiya kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit ng pork barrel fund.

Kabilang sa sinuspinde sina DBM Undersecretary Mario Relampagos, Rosario Nuñez, Lalaine Paule, Marilou Bare, Marivic Jover, Consuelo Lilian Espiritu, Belina Concepcion, Gondelina Amata, Gregoria Buenaventura, Chita Jalandoni, Sofia Cruz, Filipina Rodriguez at Ofelia Ordoñez. 

Ang 13 opisyal ay mga kawani ng DBM, Technology Resource Center (TRC) at National Livelihood Development Corporation (NLDC).

Inilabas ang suspensiyon nang matukoy ng anti-graft court na nagkaroon ng anomalya sa paggamit ng mga opisyal ng nasabing pondo mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Benguet Rep. Samuel Dangwa.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“The suspension under Section 13 of R.A. No. 3019 admits of no exceptions and that the impossibility of tampering with evidence and intimidating witnesses is not a ground for denial of the preventive suspension. They also argued that the period of suspension by the other Sandiganbayan divisions pertains to cases separate and independent of the present case,” sabi ng korte.

Sa hiwalay na kaso, pinanindigan naman ng hukuman ang inilabas nilang 90-day preventive suspension laban kay dating Police Deputy Director General at ngayo’y Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano dahil sa pagbili ng mga depektibong rubber boat para sa Philippine National Police (PNP) na aabot sa P131.5 milyon noong 2008 hannggang 2009. (Rommel P. Tabbad)