Ronda Rousey, Holly Holm

Naitala ni Holly Holm ang pinakamalaking panalo sa kasaysayan ng UFC nang ma-knocked out nito ang kasalukuyang bantamweight champion na si Ronda Rousey sa second round sa Etihad Stadium sa Melbourne, Australia kahapon.

Tinatayang lugmok ang karamihan sa 60,000 fans ni Rousey na nagtungo mismo sa stadium upang saksihan ang labanang Rousey-Holm.

Nauna rito, halos lamasin ni Rousey and mukha ni Holm nang magkasagupa sila sa weigh-in isang araw bago pa man sila pumasok sa Octagon at bago maganap ang UFC 193.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Kung kaya’t ang “init” na nararamdaman sa pagitan ng undefeated champ na si Rousey at ang kanyang seventh-ranked challenger ay nagsimula na bago pa man ang aktuwal na labanan sa ring.

Nasa mainit na porma si Rousey at bakas ang kanyang pagnanasa na talunin nang harapin nito ang kanyang kalaban na si Holm. Gayunman, nakahanda at ipinalasap nito ang totoong hamon sa kauna-unahang pagkakataon.

Si Holm, na may tayong 5’8”, 134 lbs at binansagang “Preacher’s Daughter” ay tugmang-tugma kay Rousey sa laki at sa abot ng kanyang kamao, at katulad din ni Rousey, siya ay “undefeated” din. Sa rekord nito, si Holm ay may pamatay ding rekord bilang kampeon ng amateur kickboxing at isang professional boxer. Anim sa kanyang napanalunan sa UFC ay pawang mga knockout.

Sa unang round pa lang, malinaw na nakaungos si Holm at ang second round ay lubhang nakagugulat dahil sa kanyang pamatay na sipa at quick punches sa mukha na naging dahilan ng maagang knockout ni Rousey at ang kanyang kauna-unahang pagkatalo sa UFC.

Ayon sa ulat, si Rousey ay agad na ginawaran ng medical treatment matapos ang laban.

Inamin naman ng 34-anyos na si Holm na hindi siya makapaniwala sa kanyang nagawa.

“I don’t know ...I’m trying to take it in ... it’s crazy, isn’t it,” ang emosyonal na pahayag ni Holm ng tanungin hinggil sa kanyang inisyal na reaksiyon sa pagkakapanalo nito.

Ang Preacher’s Daughter ang kauna-unahang babae na nanalo sa world boxing at UFC titles.

Sa naging laban nina Rousey at Holm, napatunayan lamang ang isang bagay, isantabi na rito ang galing ni Rousey sa ring: “nothing in ultimate fighting is predictable,” at ang bagong UFC bantamweight champion na si Holly Holm ay napatunayan ito. - Yahoo news