Tinatayang nasa P8 bilyon ang utang ng gobyerno sa mga retiradong pulis, ayon kay retired Police Chief Supt. Allyn Evasco, vice president for Mindanao ng Philippine National Police Retirees Association.

Sa panayam kay Evasco, sinabi niyang may 26 na buwan nang hindi ibinibigay ang retirement pay sa may 20,000 pulis na nagretiro noong Hunyo 30, 2009 o mas maaga pa.

Bunga umano ito ng kawalan ng budget, bukod pa sa nababahala ang samahan sa bagong patakaran ni Budget Secretary Florencio Abad na hindi na kasama ang mga retiradong pulis sa ipagkakaloob na umento para sa mga aktibong pulis.

Nabatid na ito ay labag sa umiiral na Pambansang Batas Blg. 8551, o ang Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998, na nagsasabing dapat na kapag pinagkalooban ng umento ang mga aktibo sa serbisyo ay may umento rin ang mga retirado na.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Giit ni Evasco, hindi sila kinonsulta sa nabanggit na panukalang ito. - Jun Fabon