Semifinalists

Games Nov. 22 (Semifinals)

12:45 p.m. – Army vs Navy

3 p.m. – PLDT vs UP

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagtala ang import na si Victoria Hurtt ng 21-puntos para sa unang laro nito sa PLDT Home Ultera para mapayukod ang Kia Forte, 25-12, 25-12, 23-25, 25-21, at makamit ang huling twice-to-beat incentive sa semifinal round ng Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Conference sa San Juan Arena.

Isa sa dalawang import na kinuha ng PLDT si Hurtt para palakasin ang kanilang kampanya sa season-ending conference ng 20-puntos.

Nagpamalas ito ng impresibong performance upang tulungan ang Ultra Fast Hitters na makabawi sa kabiguang natamo sa third-set at tuluyang tapusin ang semis playoff bid ng baguhang Kia Forte.

Dahil din sa naturang panalo, nalibre ng sakay ang University of the Philippines (UP) at Philippine Navy (PN) na papasok ng Final Four round.

Tinapos ng PLDT ang single round eliminations ng torneo na itinataguyod ng Shakeys na may barahang 4-1, panalo- talo, kasunod ng topseed Army na may malinis na barahang 5-0 kasunod ng 23-25, 25-18, 25-14, 25-23 ikalimang panalo kontra UP sa isa pang laro.

Umiskor si Honey Royse Tubino ng kanyang personal best na 28-hits habang nagdagdag si Jovelyn Gonzaga ng 17-puntos kabilang na rito ang isang spike sa harap ni Sheena Chopitea sa gitna para ganap na mawalis ang eliminations ng event na ito na suportado ng PLDT Home Ultera, Mikasa at Accel.

Ang UP, na pinangunahan ni Isabel Molde na may 15-puntos at tumapos na may barahang 2-3, panalo- talo kapantay ng Navy.

Dahil tinalo ng Lady Maroons ang Lady Sailors, sila ang kumopo ng No. 3 spot.

Natapos naman ang Kia na may 1-4 record parehas ng Coast Guard.

Si Freeman, ang isa pang PLDT reinforcement mula sa Florida State, ay nagdagdag ng 15 hits.

“They’ve practiced with the team for only two days so we expect more from them,” ani PLDT coach Roger Gorayeb.

Nanguna naman para sa Kia sina Shiela Pineda at Alexa Micek na kapwa nagtapos na may tig-10 puntos. - Marivic Awitan