Ni EDD K. USMAN
Nakiisa kahapon ang mga Pilipinong Muslim sa pandaigdigang pagtuligsa sa serye ng pag-atake sa Paris, France.
Nagpadala si Mohagher Iqbal, chief negotiator ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ng kopya ng opisyal na pahayag ng MILF sa magkakasunod na pag-atakeng gumimbal sa kabisera ng France na pumatay sa 129 na katao at ikinasugat ng 352 iba pa.
“We are deeply saddened by today’s tragic events in Paris, France, These blind, indiscriminate acts of violence deserve nothing but convention,” anang MILF.
Sinabi naman ng Moro National Liberation Front (MNLF) na ang mga pag-atake sa Paris ay walang kabuluhan.
Ayon kay MNLF senior leader Abdul Sahrin, ang mga salarin—miyembro man o inspirasyon ang Islamic State (IS)—ay may maling ideyolohiya na iginigiit na alinsunod sa Islam.
“IS does not and will never represent Islam and Muslims. They twist and misrepresent the teachings of Islam to suit their evil agenda,” sabi ni Sahrin. “They will go to hell.”
Sinabi naman ni Ustadhz Esmael Ebrahim, komisyuner ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na kumakatawan sa sektor ng Moro “ulama” (mga relihiyosong leader), na ang karahasan laban sa mga inosenteng sibilyan ay labag sa aral ng Islam.