CAMP BANCASI, Butuan City – Ang New People’ Army (NPA) ang sumunog sa cottage sa isang eskuwelahan ng mga Lumad sa Barangay Padiay sa Sibagat town, Agusan del Sur nitong Huwebes, ayon sa pahayag ng isang dating pinuno ng kilusan na inilabas kahapon ng 4th Infantry (Diamond) Division ng Philippine Army.

Sinabi ni Julieto Canoy, dating finance secretary ng NPA Guerilla Front na kumikilos sa Sibagat at sa hilagang Agusan del Sur, na “sinunog ng mga dati niyang kasamahan ang teacher’s cottage ng mga Lumad”.

Ayon sa pahayag ni Canoy, sinabi ni Capt. Joe Patrick A. Martinez, tagapagsalita ng Northeastern at Northern Mindanao 4th ID, na nakita ng mga contact ng una sa Sibagat ang tatlong miyembro ng NPA, sa pangunguna ng isang “Ka Batic” nang magtungo sa Sitio Bolonbon, Bgy. Padiay sa Sibagat, noong Miyerkules ng gabi, ilang oras makaraang masunog ang cottage noong Huwebes ng madaling araw. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito