MANAGUA (AFP) — Sinabi ng Nicaragua na libu-libong Cuban ang nagpumilit na makapasok sa kanyang teritoryo mula Costa Rica noong Linggo, inakusahan ang kanyang katabi sa timog ng sinasadya at iresponsableng pagpapabaha ng mga migrante na patungong United States.

Nangyari ito matapos mangako ang Costa Rica noong Sabado na magbibigay ng temporary visa sa 1,000 stranded at walang perang Cuban, at sinabing mayroon na lamang silang isang linggo para tumawid sa bansa at maipagpatuloy ang kanilang biyahe patungong United States.

Sinabi ng Nicaraguan police na libu-libong Cuban ang sumugod sa Penas Blancas border post at illegal na tumawid papasok sa Nicaragua.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina