Nakamit ng Philippine Navy ang ikaapat at huling Final Four berth sa ginaganap na Spiker’s Turf Reinforced Conference makaraang patalsikin ang Instituto Esthetico Manila, 28-30, 25-19, 14-25, 15-12.

Bumalikwas ang Navy matapos dikdikin ng IEM sa fourth set sa pamumuno ni Nur Amin Madsari para maiposte ang ikalawang panalo kontra tatlong talo sa pagtatapos ng single round eliminations.

Umiskor si Madsari ng 18 hits at 3 blocks para sa kabuuang panalo ng Navy na nag usad sa kanila sa susunod na round kasama ng mga nauna ng semifinalists Philippine Air Force (4-1), Cignal (4-1) at PLDT Home Ultera (3-2).

Nagdagdag naman ang kakampi niyang si Razzel Palisoc ng 16-puntos sa paggapi nila sa IEM na nagtapos na may 1-4, record.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nanguna para sa IEM si Michael Zamora na nagtala ng game high 25-puntos kasunod si Eden Canlas na may 16-puntos.

Sumandig ang Navy sa kanilang blocking kung saan dinomina nila ang IEM,13-6, matapos silang paulanan ng huli ng hits at aces, 68-49 at 7-2 ayon sa pagkakasunod.

Maging sa floor defense ay nakakaungos ang IEM matapos magtala ng 40 digs kumpara sa 30 ng Navy na pinalad na lamang sa dakong huli. - Marivic Awitan