Walang balak ang mga leader ng mga militanteng grupo na tumupad sa “no rally, no permit” policy sa paglulunsad ng serye ng demonstrasyon kasabay ng APEC Leaders’ Summit ngayong linggo.

Sinabi ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, isa sa mga leader ng People’s Campaign Against APEC and Imperialist Globalization, na kasado na ang mga kilos-protesta na itataon sa regional summit.

Ayon kay Casiño, planado na ang malawakang demonstrasyon sa kabila ng pagbabawal ng gobyerno laban sa ano mang kilos protesta sa pagdaraos ng APEC meeting.

Inaasahang maraming estudyante ang makikibahagi sa kilos-protesta, lalo na dahil idineklarang holiday ang Nobyembre 17-20.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Noong Biyernes, ipinatikim ng mga estudyante mula sa iba’t ibang militanteng grupo ang matinding demonstrasyon para sa papalapit na APEC Leaders’ Summit at sinunog ng mga miyembro ng Kabataan Party-list, Anakbayan, at League of Filipino Students ang event logo ng international conference.

“It is not coincidental that the Philippines is hosting the 2015 APEC Summit. We believe that this summit will be a battleground between US and Chinese domination in the region – and the Philippines is left stuck in the crossfire, with its territorial interests sidelined by the encroaching economic expansionism of these two powerful nations,” ayon kay Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon.

Aniya, malaki ang magiging epekto ng APEC Summit, hindi lang sa aspeto ng pulitika sa rehiyon, kundi maging sa ekonomiya ng Pilipinas, kabilang ang tinguriang “neoliberal” policy na lalo lamang, aniyang, magpapahirap sa mga Pinoy. - Ben Rosario