Ang serye ng pambobomba at pamamaril na pumatay sa may 129 na katao sa Paris ang nagbunsod upang i-“overdo” ng Philippine Coast Guard (PCG) ang maritime security considerations nito para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na idaraos sa Metro Manila ngayong linggo.

Tiniyak ng PCG, namumuno sa Maritime Task Force sa Manila Bay, na saklaw ng paghahanda nila sa seguridad maging ang mga pag-atake ng mga terorista.

“Ang set up namin kahapon (Biyernes), na batay sa aming implementation plan, ay handa sa mga ganyang scenario,” sabi ni Commodore Joel Garcia, pinuno ng Task Force on Maritime Security for APEC.

Ipinakalat ng PCG ang mga barko nito noong Biyernes upang tiyakin ang seguridad ng mga leader ng iba’t ibang bansa at iba pang dayuhang delegado na dadalo sa event. Matapos ipakalat sa kani-kanilang posisyon, nagsagawa rin ang puwersa ng PCG ng aktuwal na security survey inspection.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Magpapatupad ang PCG ng “no sail zone” sa Pasig River simula sa Nobyembre 17 hanggang sa Nobyembre 20, sa buong panahon ng APEC Summit. Nagtalaga rin ito ng tinatawag na exclusion zone sa Manila Bay, na lilimitahan ang paglalayag ng mga barko. - Raymund F. Antonio