Kyla
Kyla

EXCITED at looking forward si Kyla sa nalalapit na concert niyang Kyla: Flying High (The 15th Anniversary Concert) na gaganapin sa KIA Theater, Araneta Center sa Nobyembre 20, 8 PM.

Sabi niya, after ten years ay ngayon lang siya ulit mapapanood sa concert kaya talagang ibibigay niya ang lahat para mag-enjoy ang manonood.

Kahit sangkaterbang awards na ang natanggap ng RnB Queen ay hindi pa rin pala siya ganoon ka-confident, kaya kinailangan pa niyang mag-voice lesson bilang isa sa mga paghahanda sa concert niya.

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

”You can never be too confident, kasi feeling ko I have (kaba) kaya talagang nag-voice lesson pa ako,” sabi ng mahusay na singer sa press launch ng kanyang concert. “Hindi naman po sa nabago ang boses ko kaya lang sa tagal po ng hindi ko pagkanta o kapag kumakanta ako sa mga event, 2-3 songs or the most apat lang.

“Ngayon lang uli ako kakanta at 20 songs pa. Feeling ko kailangan ko talagang mag-aral ng techniques para hindi mahirapan, ‘yung tamang breathing lalo pa’t may sayaw-sayaw ako rito sa concert ko.”

Inamin din ni Kyla na kailangan niyang ipakilala ulit ang sarili kahit may name na siya sa music industry.

Kahit multi-awarded ay kulang pa rin ang exposures ni Kyla na napag-alaman naming marami na ang natatanggap na imbitasyon mula sa ibang bansa simula nang magpalit siya ng management company.

“Marami pa ring tao ang hindi nakakakilala sa akin. Sobra-sobra ang pressure talaga. I really want to entertain everybody to make sure na masaya sila. Noong nagsisimula po kasi ako walang pressure na kailangan kong i-please ang mga tao. It’s either they will like you or not. Now, more on sustaining and maintain para magustuhan ka nila.

“Minsan kasi nag-iiba, kasi nga dahil sa marami nang artist na lumalabas at nariyan at maraming talented, mas marami silang pagpipilian, kaya mas ang pressure,” paliwanag ni Kyla.

Kinakabahan ba siya habang lalong dumarami ang mga baguhang singers na magagaling din?

“Hindi naman po. It’s more on... kumbaga, sinasabi na kung paano mo mapananatiling more relevant sa industry na ito. Di ba madaling kalimutan ka na lang? Kung nasaan po ako ngayon ini-enjoy ko na lang. Mas importante ‘yung paano mo mami-maintain itong hanapbuhay natin,” sagot ni Kyla.

Ano ang masasabi niya sa bagong tawag na RnB Queen na ibinigay sa kanya? “Ii-embrace ko na lang po kung ano ‘yung ibinibigay nila sa akin.”

Sabagay, ang tagal na ring naging RnB Princess ni Kyla at wala namang sumunod na kanya, kaya pasado na talaga siyang maging Queen of RnB.

Samantala, napakinggan namin ang My Very Best album ni Kyla at gustung-gusto namin ang duet nila ni Martin Nievera na How Do You Keep The Music Playing, pati na ang Sana Maulit Muli, Mahal Ko O Mahal Ako ni KZ Tandingan at ang Muli na pinasikat ni Vina Morales, pero ang RnB Queen pala ang orihinal na kumanta at hindi lang sumikat.

Kasama rin sa nasabing album ang mga awiting I Am Changing, Huling Sayaw (Kamikazee), Don’t Tie Down, Mahal Kita (Di Mo Pansin), Say That You Love Me, Tara Tena, Beautiful Days, You Were There, Flexin at Hanggang Ngayon na released ng PolyEast Records.

Special guests ni Kyla sa Flying High concert sina R&B King Jay R, Soul Supreme KZ, Prince of Pop, Erik Santos at G-Force, stage director si Marvin Caldito at si Marc Lopez naman ang musical director, produced nina Calvin Chua, Ricky Agana at Dreamstar Events Company presented by Academy of Rock. (Reggee Bonoan)