BAGHDAD (AP) — Nagbabala ang matataas na opisyal ng Iraqi intelligence sa mga miyembro ng U.S.-led coalition na lumalaban sa grupong Islamic State ng mga napipintong pag-atake ng militanteng organisasyon isang araw bago ang madugong pag-atake sa Paris noong nakaraang linggo na ikinamatay ng 129 katao, napag-alaman ng The Associated Press.

Nagpadala ang Iraqi intelligence ng dispatch na nagsasabing iniutos ng lider ng grupo na si Abu Bakr al-Baghdadi na atakehin ang mga bansa sa coalition na dumidigma sa kanila sa Iraq at Syria, gayundin sa Iran at Russia, sa pamamagitan ng mga pambobomba o iba pang pag-atake ilang araw bago nito.

Nakasaad sa dispatch na ang mga Iraqi ay walang tumpak na detalye kung saan at kailan ito magaganap, at isang senior French security official ang nagsabi sa AP na nakatatanggap ang French intelligence ng ganitong uri ng komunikasyon “all the time” at “every day.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina