Anjo Demilles
Anjo Demilles
GUWAPO, matangkad at marunong umarte ang panlaban ni Anjo Damiles sa mga kasabayan niyang pumasok sa showbiz. Idagdag pang si Ogie Diaz ang kanyang manager, kaya lalong napadali ang pagkakaroon ng magandang career ng 19-year-old heartthrob ng ABS-CBN.

Napapanood si Anjo sa Doble Kara, his first big project and first big role. Nauna na siyang lumabas sa Muling Buksan Ang Puso, Wansapanataym at Forevermore, pero sa Doble Kara ay bida na siya at may ka-love team pa.

Gumaganap si Anjo bilang si Andy sa Doble Kara at katambal si Sarah (Julia Montes) na aminado siyang crush niya. Pero kahit attracted sa aktres, career muna ang priority niya. Gusto niyang maging successful hindi lang para sa kanya, para na rin sa kanyang pamilya.

“Ang laki ng nagawa sa akin ni Tito Ogie. Wala pa akong one month sa kanya, naibigay na niya sa akin ang Doble Kara. Kaya naman, sinusunod ko lahat ng sasabihin niya lalo na ‘yung lagi niyang ipinaaalala na pagbutihin at mahalin ko ang trabaho ko,” sabi ni Anjo.

Tsika at Intriga

Pagbulaga ni Alden Richards sa 'It's Showtime,' pinagtaasan ng kilay

Five years ang pinirmahang kontrata ni Anjo kay Ogie at sa tulong ng manager, naniniwala siyang maaabot ang ultimate dream sa pagpasok niya sa showbiz. Paghihirapan at pagsusumikapan niyang sundan ang naabot ni Piolo Pascual.

“Mananaginip ka na rin lang, bakit hindi pa managinip nang husto. Gusto kong maging Piolo Pascual in the future,” determinadong sabi ni Anjo.—Nitz Miralles