Sa pangalawang magkasunod na linggo ay napili si National University (NU) point guard Gelo Alolino bilang ACCEL Quantum/ 3XVI-UAAP Player of the Week makaraang makuha ng Bulldogs ang krusyal na panalo sa ginaganap na UAAP season 78 men’s basketball tournament.

Sa laban ng Bulldogs kontra Far Eastern University-Tamaraw noong nakalipas na Sabado, naitala ni Alolino ang pinakamalaking shots sa laro nang mailiko nito ang bola na hawak ni Francis Tamsi habang may 33.5 segundo na lang na natitira, kung kaya’t nasungkit ng defending champions ang 70-68 na panalo.

Si Alolino ay nakagawa ng 20-puntos-15 sa second half, habang nakikipagbuno sa FEU counterpart na si Mike Tolomia sa nakaraang season’s final rematch. Nakagawa pa si Alolino ng apat na rebound, tatlong assist, at steal sa 33-minutong aksiyon para sa Bulldogs.

“He is the type of player who loves the ball come end game,” ayon it okay head coach Eric Altamirano, na pinapurihan ang “maturity” ng kanyang point guard.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ganun pa man, kahit na tinagurian itong bayani, binigyan ni Alolino ng kredito sina Jeff Javillonar at Alfred Aroga na nagbigay sa kanya ng pagkakataon para sa winning shot.

“Thankful ako na na-deliver ko,” ang pahayg ni Alolino.

Naungusan ni Alolina sina Kevin Ferrer ng University of Santo Tomas (UST), Jeron Teng at Prince Rivero ng De La Salle University (DLSU), Clark Derige at Chris Javier ng University of the East (UE) para sa weekly individual award na iginagawad ng mga sports reporters. (Abs-Cbn Sports)