Hindi lang sa “tanim-bala” extortion scheme nakasentro ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), dahil sinisilip din ng ahensiya kung may kaugnayan ito sa pananabotahe sa kasalukuyang administrasyon.

Ito ay matapos ihayag ng NBI na may indikasyon din na ang isyu ng umano’y pangingikil ng mga tauhan ng airport sa mga papaalis na overseas Filipino worker (OFW) sa pamamagitan ng “tanim bala” ay bahagi rin ng pananabotahe sa kasalukuyang administrasyon, lalo dahil papalapit na ang 2016 elections.

Ayon kay Department of Justice (DoJ) Spokesman Emmanuel Caparas, sinabi ng special team ng NBI na posibleng bahagi ang modus sa planong pahiyain ang administrasyong Aquino kaugnay ng halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni Caparas na hindi na muna sila magbibigay ng karagdagang impormasyon sa nasabing anggulom, dahil baka mabulilyaso ang pagsisiyasat.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Unang nabunyag ang usap-usapan sa “tanim bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na sinasabing kinikikilan ng ilang empleyado ng airport ang mga inosenteng biktima, kabilang ang mga OFW, ng aabot sa P80,000. 

(Beth Camia)