Malaki ang paniniwala ni Golden Boy Promotions President Oscar De La Hoya na hindi totoong nagretiro na sa boksing si dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. at muli nitong lalabanan si eight-division world titlist Manny Pacquiao.

Inihayag ni Mayweather ang pagreretiro nitong Setyembre matapos ang 12-round unanimous na panalo kay dating welterweight titlist Andre Berto ng Haiti sa MGM Grand sa Las Vegas, Navada kaya napantayan ang rekord ni dating undisputed heavyweight champion Rocky Marciano na perpektong 49 panalo, 26 sa pamamagitan ng knockouts.

Nagkakainitan ngayon sina De La Hoya at Mayweather matapos ihayag ng GBP big boss na namimili ng mga kalaban si Mayweather at hindi siya naniniwalang magreretiro na ang boksingerong tumalo sa kanya sa kontrobersiyal na 12-round split decision.

“No [I don’t believe he’ll stay retired], not at all. I strongly believe that he will fight a few more times. Not just once, but a couple of more times. I think he will wait until next year, maybe do the rematch with Pacquiao and then we’ll see what happens,” sabi ni De La Hoya sa Bloomberg.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ipinagyabang pa ni De La Hoya na kakaiba ang promosyon ng GBP tulad ng depensa ni WBC middleweight champion Miguel Cotto ng Puerto Rico kay Mexican Saul “Canelo” Alvarez sa susunod na linggo.

“It’s all business for Mayweather. That’s all it is. His team...that’s the difference between our fight here on November 21st [between Cotto and Canelo]...it’s about passion, it’s about the fans, it’s about doing the best fight possible and that’s what the fighters will do inside the ring - is give you a war,” ani De La Hoya. “It is about the business [for us as well], but it’s about the fight first.”

“[For Mayweather] it’s all about money, low risk, high reward. And for us here, we’re not naïve here - we want to make money, but its all about making sure the fans are happy,” dagdag ni De La Hoya. (Gilbert Espena)