Bobby Parks_01_Sports_021115 copy

Pormal ng ideneklara ng NBA D-League na Texas Legends ang pagkakapasok sa kanilang koponan ni Filipino-American player Bobby Ray Parks.

Si Parks ang siyang kauna-unahang Pilipino na lumaki sa bansa na matagumpay na nakapasok sa NBA. Si Parks, na dating UAAP Most Valuable Player, ay kasali na sa Legends para sa opening night line-up nito.

Base sa anunsiyo ng Legends sa website nito, na ang 22-anyos na si Parks ay kabilang na sa roster ng Texas Legends kasama ang tatlo pang napili sa draft na mula sa United States at makakabilang na sa grupo ng mga manlalarong katulad nina Brandon Ashley, Thomas Bropleh, Sherron Collins, Allen Durham, Tu Holloway, Justin Reynolds at Jamil Wilson.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ang Texas Legends ay isang koponan na maglalaro sa NBA Development League’s.

Maglalaro rin sa nabanggit na koponan ang 7-footer na Indian giant na si Satnam Singh.

“It’s definitely a blessing,” ang naging pahayag ni Parks sa panayam sa episode ng “Beyond the Bounce.”

Magugunitang, unang nakapaglaro si Parks sa koponan ng Dallas Mavericks noong Summer League.

Si Parks ay anak ng dating 7-time PBA best import na si Bobby Parks.

Ilan na rin na namayagpag sa ibang bansa ay sina Jordan Clarkson na nasa Los Angeles Lakers at si Kobe Paras na kinuha ng University of California Los Angeles Bruins. (Abs Cbn Sports)