Nagbukas ng torneo ang Manny Pacquiao Sports Challenge Mindanao 2015 Open Amateur Boxing Tournament na itinakda sa Disyembre 4-8 sa Robinson’s Mall, sa General Santos City.

Sampung koponan ang mapapanood, ayon ito kay Sannie Sombrio, secretary general ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa Rehiyon 12.

Kabilang sa mga inimbitahang sumali sa nabanggit na torneo ay ang Davao City Amateur Boxing Club (Dacaboc) ng Calinan sa panguguna ni Barangay Kagawad Renato “Tata” Villafuerte, MP Pacman-Labangal ni Kagawad Bobby Pacquiao, North Cotabao ni Governor Lala Talino-Mendoza, Sarangani Province at General Santos City.

“This is a truly comprehensive boxing tournament designed to establish a solid structure of camaraderie and closer brotherhood among the different boxing teams under the aegis of ABAP,” ang pahayag ni Sombrio.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang mga kategorya ay ang School Boys Mosquito (38-40 kg.) at Junior Light Paperweight (40-42 kg.) para sa 13 hanggang 15 anyos at pababa; Junior Boys Pinweight (44-46 kg.) at Light Flyweight (46-48 kg.) para sa 15 hanggang 17 anyos pababa; Junior Girls Pinweight (44-46 kg.) at Light Flyweight (46-48 kg.) para sa 17 hanggang 18 anyos pababa; Youth Boys Light Flyweight (46-48 kg.) para sa 15 hanggang 17-anyos pababa; Youth Boys Light Flyweight (46-49 kg.), Flyweight (49-52 kg.) para sa 17 hanggang 18-anyos pababa; at Elite Boys (18-21 yrs old) Light bantamweight (52-55 kg.) at Bantamweight (55-58 kg.).

“It will be a knockout system with the top team to be determined by the total number of marks,” dagdag pa ni Sombrio.

Ang final bout winners ay makakakuha ng tatlong marka, semi-final winners na may dalawang marka at round-phase na may isang marka. Ang mga boksingero lamang na kinikilala at opisyal na inimbitahan ng MPSA ang papayagang makasali sa torneo.

Cash prizes at mga tropeo ang ibibigay din sa apat na nangungunang koponan.

“We want to widen the identification and recruitment of potential boxers who will be scientifically trained and molded into highly competitive athletes to represent and bring honor to the country in international competitions,” ayon pa kay Sombrio. (PNA)