Kamakailan lamang ay ginunita natin ang ikalawang anibersaryo ng pananalasa ng super typhoon ‘Yolanda,’ na itinuturing na pinakamabagsik na bagyo na tumama sa ating bansa, na kumitil ng halos 10,000 buhay. Nauna rito ang kapistahan ng Araw ng mga Santo at kaluluwa.
Para sa ilan, ito ay kamatayan ng mahal sa buhay. Sa ating religious congregation, dalawang SVD confreres ang namatay ng magkasunod— sina Fr. Bernhard Kassellmann at Fr. Jess del Rosario. Isang araw matapos ilibing si Fr. Bernhard ay namatay naman si Fr. Jess.
Dahil hindi naman natin alam kung KAILAN at PAANO natin lilisanin ang mundong ito, mabuting na ang palaging handa sa panahong makikita na natin ang Panginoon.
Bukod d’yan, dahil nga hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay, kailangan nating lubusin at gamitin sa tama ang bawat oras na mayroon tayo.
Anu-anong mga pangarap na meron tayo na hindi pa natin naaabot? Ano ang intensiyon sa pagbisita sa isang kamag-anak o may sakit? Mga pangakong binitawan na may kaugnayan sa pera sa kinauutangan? Ano ang mga naantalang kabutihang gawain o mga taong hindi pa natin tuluyang napapatawad?
Sa pagtanto na maikli lamang ang buhay at ang kamatayan ay maaaring dumating anumang oras, ginagamit ba natin ang oras sa detalye, kung saan maigugugol sa mga mahahalagang bagay? Katulad ng mga bagay na makakapagpalago n gating sarili, sapat na panahon sa ating pamilya, kaibigan o mga katrabaho? O sa Panginoon sa pamamagitan ng pagdarasal at pagninilay-nilay?
Ayon sa isang spiritual writer, “I shall pass this world but once. Any good, therefore, that I can do or any kindness that I can show, let me do it now. Let me not neglect nor defer it for I shall not pass this way again.”
THOUGHTS TO PONDER -- “When you were born, you were crying and everyone around you were smiling. Live your life so at the end, you’re the one smiling and everyone around you is crying.” – Anon.
“When you bring me all your flowers, I’d rather that you bring me one single flower when I am still alive than bring a truckload when I’m already dead.” – Anon. (Fr. Bel San Luis, SVD)