Magkakaroon na ng maayos na pamumuhay ang mga atleta, tagasanay at mga manlalarong may kapansanan na nag-uwi ng medalya mula sa internasyunal na kumpetisyon makaraang maging ganap na batas ang National Athletes, Coaches and Trainers Benefit and Incentives Act.
“It’s high time we recognize our outstanding athletes with disabilities, which is why we included them among the national athletes deserving of incentives should they win in international competitions. Likewise, we wanted to recognize and give justice to our winning national athletes by increasing the amount of prizes and benefits for them to receive,” ayon kay Senator Sonny Angara, chairman ng senate committee on games, amusement and sports.
Nakasaad sa naturang batas na ang lahat ng mananalo ng ginto mula sa Olympic Games ay makakakuha ng P10Milyon, sa pilak ay P5 Milyon, at Tanso ay P2 Milyon. Kung sa Asian Games naman ang mananalo ng ginto ay makakatangap ng P2 Milyon, pilak P1 Milyon, at tanso P400,000.
Sa Southeast Asian Games naman ay makakakuha ng P300,000 ang mananalo ng ginto, P150,000 sa pilak at P60,000 sa tango,
Dalawampung porysento naman mula sa cash incentive para sa mga individual winner ang matatangap ng isang koponan na may lima pataas na miyembro.
“Apart from regular major competitions, medalists of world-level championships held every two years or with at least 45 countries participating and of Asian-level competitions held every two years or with at least 25 countries participating will also receive cash incentives.” Paliwanag ni Angara.
Bibigyan din ng 20% diskwento ang lahat ng national athletes sa tansportasyon, hotel, restaurant, pagbili ng gamot at kagamitang pang-isports.
Libreng pag-aaral din ang matatangap ng mga mananalong atleta sa lahat ng pampublikong paaralan.
“We thank the President, the legislators and the Philippine Sports Commission for supporting and helping craft the new incentives scheme,” dagdag pa ni Angara. (Leonel Abasola/Angie Oredo)