NAG-BACK OUT man si Angel Locsin sa Darna project ng Star Cinema, mananatili pa ring si Direk Erik Matti ang hahawak ng bagong reincarnation ng sikat na Pinay heroine.

Pahayag ng metikulosong director, laking panghihinayang niya nang umurong si Angel sa movie. Pero naiintindihan naman niya ang rason ng aktres, ang pinoproblema nitong spine injury.

“Siyempre, pare-pareho kami ng naramdaman. Ang tagal na naming hinintay ‘yung project. She prepared for the project and sayang din lang na may nangyari sa kanya.

“Sayang talaga. Kasi last year, magkakasama na kami ni Angel, eh. Inaayos na namin ‘to.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hanggang sa biglaang nagpahayag ang aktres na hindi na nito gagawin ang Darna.

“Sabi niya, ‘Direk, sayang. I really wanted to do this. I really wanted...’ And we wrote the character for her talaga, pero sayang, eh.”

Kung si Direk Erik o ang Star Cinema ang masusunod, hihintayin daw niyang gumaling si Angel para sila pa rin ang gagawa ng action-fantasy film.

“Siyempre, mahihirapan kami, we don’t want to risk. Mahirap para sa kanya na ipilit namin, di ba? We want to wait for her but we don’t know when... so, mahirap, eh.

“And of course, I feel for her kasi pare-pareho kaming sabay na nagsimula nitong project and all of us were really excited to do it. And siyempre, sayang lang na nangyari ‘yon,” ani direk.

Prangkahan ang pahayag ni Direk Matti na maliban kay Angel, wala siyang naiisip na babagay sa Darna.

Kaya’t napagkaisahan nilang magpa-audition para sa nasabing role.

Kung sa iba mapupunta ang role, wala siyang magagawa kundi idirek ang pelikula.

“You know, it’s a tough decision. Una kasi, si Angel lang talaga, eh. Wala na kasi kaming nakikitang iba, eh, di ba?

When Angel announced na hindi niya kayang gawin dahil sa nangyari sa likod niya, the only decision that we made is we might as well audition the part to a lot of people.

“So, we don’t know yet. It’s not an easy role to fill in, so mahihirapan kaming maghanap ng ipapalit kay Angel.

That’s why we need to be very careful kung sino ba talaga ang gaganap na Darna because as a movie, it’s been 20 years since the last Darna movie, ha. So, ang hirap lang na padalus-dalos mag-decide. We’ll take it one step at a time,” pahayag ni Direk Erik Matti. (ADOR SALUTA)