NA-MISS ng lahat sa showbiz industry ang mag-asawang producer-director na sina Donna Villa at Carlo J. Caparas. Halos sampung taon na raw ang last movie nila dahil tumigil mula sila sa pagpoprodyus.

Bakit nga ba sila nawala and suddenly ay magbabalik via Angela Markado, ang ipoprodyus nilang movie for Viva Films?

Pahayag ni Ms. Donna, matagal na nilang gustong gawin ang naturang pelikula.

“Masaya kami ni Carlo dahil we’re back, nami-miss namin ang mga dating kasamahan sa showbiz at happy kami na sama-sama pa rin tayo,” Masaya niyang bungad.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Actually, hindi naman kami nawala talaga. Kasi si Carlo works, di ba? Andiyan pa rin siya sa pelikula, andiyan sa TV, sa film meron din. Di ba andiyan ang Panday? Ngayon balak na naman naming mag-active na naman para tayo ay masaya lahat,” dugtong ni Donna.

Lahat ng gagawin nilang pelikula ay Viva ang makakatuwang nila.

“Hindi lang released ng Viva, kasosyo sila, co-prod ako dito, namamahala lang.”

After Angela Markado, pinag-iisipan din nilang i-remake ang Panday at Tasya Fantasya na unang ginawa ni Kris Aquino.

Kahit pa may usapan na silang classic fantasy film ang susunod nilang gawin , tameme pa rin si Donna.

“Ayokong pangunahan ang Viva,” aniya, at kinumpirmang si Richard Gutierrez ang gaganap na bagong Panday.

“Si Richard, contract star kasi siya ng Golden Lions dati, eh, sina Richard, Raymond at Ruffa.” Kaya mapapanood ang magkakapatid sa kanilang upcoming projects.

Samantala, naitanong kay Donna kung bakit ayaw tumakbo sa pulitika si Carlo. Wala nga bang political ambitions si Carlo?

“Oo (may offers na tumakbo), pero si Carlo talaga, I’m not for politics sabi niya, I am for (showbiz), gusto niya talaga movies and TV. ‘Yun, long time ago pa every elections may nag-o-offer diyan, mayor, governor, senator, pero si Carlo talaga ayaw. Puwede naman siyang tumulong sa kapwa niya na hidi naman siya pulitiko, di ba, puwede naman.”

May susuportahan ba silang presidentiable sa darating na halalan?

“Siya (Carlo) na muna tanungin niya, that I don’t think so muna, quiet lang muna tayo,” sabay iwas. (Ador Saluta)