Kobe, Benjie at Andre copy

KUNG si Kris Aquino ang maituturing na ulirang ina dahil single handedly niyang napalaki nang maayos sina Josh at Bimby, the same thing can be said sa dating cager at komedyanteng si Benjie Paras. Hinubog niya sina Kobe at Andre na maging mabuting mamamayan na may takot sa Diyos.

“Kapwa sila mababait na bata at hindi ako binigyan ng sakit ng ulo,” may himig ng pagmamalaking wika ni Benjie nang humarap sa presscon ng Wang Fam movie. “May respeto kami sa isa’t isa at hindi sapat na ako lamang ang kanilang pinapakinggan. I realized that kailangang dinggin ko din kung ano ang kanilang mga saloobin. A parent could be wrong at times. Noong una ay tutol ako na sa America mag-aral si Kobe pero kalaunan ay natanto kong tama pala ang naging desisyon niya.”

Hindi rin inakala ni Benjie na mas papaboran ni Andre ang umarte kaysa maglaro ng basketball.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Wala naman itong deperensiya sa akin dahil matimbang sa akin ang dalawang propesyon. Ang reminder ko lang kay Andre ay matutong makisama sa lahat ng uri ng tao at maging magalang at mapagkumbaba.”

Sa aspeto ng pagganap ay thumbs up ang ibinigay ni Benjie sa anak sapul nang una itong lumabas sa Diary ng Panget.

Ngayon ay pinagsama sila sa unang pagkakataon sa horror comedy mula sa Viva Films, ang Wang Fam. Tungkol ito sa pamilya ng aswang na hinangad na mabuhay ng normal.

Kasama nilang mag-ama sa pelikula sina Pokwang, Yassi Pressman at Alonzo Muhlach. (REMY UMEREZ)