Asahan ang mas marami pang dry run sa pangangasiwa sa trapiko habang patuloy ang paghahanda sa Metro Manila kaugnay ng idaraos na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre 17-20, 2015.

Nagbabala si Cabinet Secretary Jose Rene Almendras at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista laban sa matinding trapiko ngayong Sabado at bukas, Linggo, dahil sa nakatakdang dry run ng mga convoy sa kalsada na dadaanan ng mga delegado ng APEC.

Saklaw ng traffic dry run ang paligid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), EDSA, Skyway, South Luzon Expressway (SLEX) interchange, Magallanes Interchange, Roxas Boulevard, Ayala Avenue, at iba pang lugar malapit sa mga pagdarausan ng mga aktibidad para sa APEC sa Pasay at Maynila.

Ayon kay Almendras, magsasagawa rin ng major dress rehearsal ngayong Sabado, simula 7:00 ng umaga, upang tukuyin ang timing ng pagdating ng APEC convoys sa iba’t ibang lugar.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Bukas, binigyang babala naman ang publiko kaugnay ng gagawing traffic simulation na magsasara sa EDSA sa loob ng 30 minuto. Hindi naman tukoy kung anong oras isasara ang EDSA.

“There 21 delegates so we need to practice the movements. There are sequence and timing issues. We have to time test how long would it take delegates from their hotels to certain venues so they will arrive on time,” sinabi ni Almendras sa media briefing sa paghahanda para sa APEC traffic management nitong Huwebes. (ANNA LIZA VILLAS-ALAVAREN)