Aarangkada ngayong araw ang stiletto race o Tour de Takong na bahagi ng Sapatos Festival 2015 ng Marikina City.

Pagsapit ng 3:00 ng hapon sa Freedom Park, Barangay Sta. Elena, magsisimula ang takbuhan na suot ng mga kalahok ang sapatos na may takong sa 1.8 kilometrong ruta.

Sinabi ni Community Relations Office, tampok din sa Tour de Takong ang ‘Shoe-Bebe’ (pabebe ang get-up), ‘Shoe-Nior’ (para sa mga senior citizen), ‘Nakaka-takong’ (pinakamataas na heels), Shoe-Bae (pinakamachong tumakbo), Shoe-Babe (pinakaseksing tumakbo), Most Fabulous Shoes (pinakabonggang stiletto).

Inasahan na sasali ngayong taon ang mga pulis at sundalo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Layunin ng festival na maitampok ang mga de kalidad at murang sapatos at iba pang leather products ng Marikina.

(Mac Cabreros)