Anim na linggo bago ang Pasko, 60 pamilya ang nawalan ng tirahan sa Tondo, Manila nang masunog ang isang residential area nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga ulat, nilamon ng apoy ang 30 kabahayan at nawalan ng tirahan ang 60 pamilya o halos 300 indibidwal sa Aplaya Ext., Barangay 133-Zone 11, Balut, Tondo, simula 10:10 p.m.

Umabot ang sunog sa ikaapat na alarma at idineklarang kontrolado dakong 10:50 p.m. Naapula ang apoy dakong 11:07 p.m.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Edgar Reyes, gayunman, sinabi ng arson investigators na iniimbestigahan pa nila ang sanhi ng sunog.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'

Tinatayang P100,000 halaga ng mga ari-arian ang nasira dahil sa insidente. (Argyll Cyrus B. Geducos)