Isa sa mga kakaibang laban ni Ronda Rousey ay nangyari sa taong ito.

Sa taon lamang na ito, nagawang idepensa ni Rousey yang kanyang titulo ng tatlong beses sa loob lamang ng siyam na buwan. Matagumpay nitong nahawakan ang kanyang titulo sa pitong sunud-sunod na beses, at kasalukuyan niyang pinaghahandaan ang ikawalong pag-depensa, kontra Holly Holms sa UFC 193, na gaganapin sa Linggo sa Melbourne, Australia.

Kabaliktaran ng kanyang mga naunang pahayag na dapat ay lagi siyang nasa gym, sinabi ng 28-anyos na si Rousey na liliban muna siya sa mata ng publiko sa sandaling panahon.

“I’m selling a product and I have to be out there; I don’t have the option not to be. But after this fight, I’m definitely going to let some people miss me, for sure. Believe me, there’s nothing I would like to do more than disappear for a while,” ang pahayag ni Rousey.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I would like to wait until UFC 200 to fight again,” dagdag pa ni Rousey. “I’m going to be filming [movies] in the meantime, so I’m still going to be keeping busy. When I’m filming it’s kind of weird, I’m on camera the whole time, but nothing really goes out until a year or two later. It is kind of like disappearing in a way.” (Abs-Cbn Sports)