Richard-Yap copy

PINAPANOOD pala ni Richard Yap aka Ser Chief/Papa Chen ang Ang Probinsiyano ni Coco Martin simula nang mapanood niya ito sa advance screening sa Trinoma dahil gustung-gusto niya ang kuwento at na-hook na siya.

Nangarap tuloy siya na sana’y kasama siya sa seryeng number one ngayon. Hindi naman nabigo si Richard dahil heto nga, parte na nga siya ng Ang Probinsiyano.

Agad niyang inamin sa solo presscon para sa kanya sa 9501 Restaurant nitong nakaraang Huwebes sa 9501 na avid follower siya ng serye.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Nakita ko na it’s something different, very action-packed, mabilis ang story at sobrang ganda ng pagkakagawa. So, I wanted to be part of it,” kuwento ni Richard.

Timing na wala naman siyang ginagawa ngayon at nu’ng hilingin niyang isama siya sa Ang Probinsiyano ay sakto rin na may open character na pinuno ng sindikato na bumagay naman sa kanya.

“I requested na kung pwede ako masali dito sa Ang Probinsiyano,” aniya.

Gagampanan ni Richard ang papel ni Mr. Tang, pinuno ng child trafficking syndicate.

Hmmm, kaya pala walang mukhang ipinapakita kung sino ang big boss na kinakausap ni Arjo Atayde bilang si Joaquin tungkol sa mga batang dinudukot nila.

At dahil lover boy ang papel ni Richard sa nakaraang serye niyang Be Careful With My Heart ay kinailangan niyang paghandaan ang bagong papel bilang kontrabida.

“I’ve been watching kontrabida na movies and serye but I’ve been watching the foreign ones also. Kasi action type ‘to, eh. So I want to find a level na medyo mas angat,” pahayag ng aktor.

Tanggap niya ang magiging reaksiyon sa kanyang bagong papel ng fans na nasanay nang mabait at nagpapa-cute siya, dahil kailangan niyang mag-level up.

“Sabi nila, kahit na raw naging head ako ng sindikato, sasama na lang daw sila,” napangiting sabi ng aktor. “Well, this is a challenge for me kasi I don’t want to be stereotyped na itong role lang na ito ang puwede kong gawin, good guy role.

“So I want to challenge myself, I want to learn also from the other actors, kung paano gawin as a kontrabida kasi iba ‘yung atake rin dito, eh. Iba ‘yung mindset mo. Actually, mas stressful siya. It’s really something different but I want to do it because I want to challenge myself, I want to improve myself in my craft,” paliwanag ni Richard.

Sino ang peg niya bilang action star?

“Ang peg ko dito is si Jet Lee, eh. If you watch him du’n sa Lethal Weapon 4, parang ganu’n.”

Mabilis na ring kumilos si Richard sa aksiyon dahil may mga sipa-sipa na siya sa Ang Probinsiyano na ginawa na rin niya sa Wansapanataym: My Kung Fu Chinito.

“We’ve taken a few actions scenes already pero hindi pa napapalabas. Pero hindi pa kami nagkasagupaan. Medyo ano rin, it’s actually very physical also. Very taxing din, physical-wise.

“So I might play a bad guy here, next time baka balik tayo sa good guy, so it depends. It might be romance next time, it might be comedy, it might be action, so we’ll try everything first and then we’ll see how it goes.”

Hindi na kami magtataka kung umabot na sa 40% plus ang ratings ng Ang Probinsiyano ngayong magsasama-sama na ang supporters nina Coco, Bela Padilla, Maja Salvador, Arjo at Richard sa panonood ng kanilang serye. (Reggee Bonoan)