KALIBO, Aklan - Hindi umano sapat at hindi malinis ang tubig na iniinom ng mga residente sa mga relocation site para sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’.

Base sa pag-aaral ng Philippine Nuclear Institute ng Department of Science and Technology(DoST) sa Tacloban City, Leyte, walang malinaw na pinanggagalingan ng malinis na tubig ang mga nasa relocation site, at ilan sa relocation sites ay malapit pa sa dump site.

Dahil dito, ayon kay Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon, nakahanda ang kanilang organisasyon para magbigay ng inuming tubig sa mga relocation site ng gobyerno at non-government organization (NGO) kung kinakailangan.

Dumating si Gordon sa Aklan nitong Huwebes para pasinayaan ang relocation site para sa daan-daang bahay sa Aklan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pag aaralan din ng Philippine Red Cross ang report na ito ng Philippine Nuclear Institute. (Jun N. Aguirre)