Pinag-aaralan ngayon ng isang koalisyon, na nagsusulong ng tapat at malinis na halalan sa 2016, na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang umano’y hindi pagsunod ng Commission on Elections (Comelec) sa inilatag na security features ng Republic Act 9369 (Automated Elections Law).

Ang pagdulog sa Korte Suprema ay pangungunahan ng Reform Philippines Coalition, na binubuo ng mga Katolikong obispo, law experts at nagsusulong ng good governance sa gobyerno.

Ayon sa grupo, kabilang sa mga security feature na binalewala ng Comelec ay ang hindi paggamit ng Voter Verified Paper Audit Trail (VVPAT) na titiyak sa botante na nabasa at nabilang nang tama ng election machine ang kanyang mga ibinoto.

Bagamat nagpapatuloy naman ang Source Code Review, sinabi ng koalisyon na hindi maaaring pagkatiwalaan ang proseso dahil ang tanging pinapayagan lang sa review ay ang pagbabasa sa command na nilalaman ng source code, pero hindi ang actual testing na magkukumpirma sana kung gumagana nang tama ang Optical Mark Reader Units, alinsunod sa inilatag na “sets of commands”.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nais ng koalisyon na sa pamamagitan ng Korte Suprema ay maobliga ang Comelec na sumunod sa itinatakda ng AES Law, dahil bukod sa simpleng pagtalima, nakasalalay dito ang pagiging sagrado ng sistema ng eleksiyon at tunay na pinili ng mamamayan para mamuno sa bansa. (BETH CAMIA)