CAUAYAN CITY, Isabela – Inaresto ng Cauayan City Police, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 2 ang isang drug pusher at nakumpiska mula rito ang ilang baril at P300,000 halaga ng shabu nitong Nobyembre 11.

Ayon kay Supt. Engelbert Soriano, hepe ng Cauayan City Police, ang pag-atake ay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) Branch 19 Judge Raul Babaran laban kay Paul Michael Chua sa mga kaso ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at illegal possession of firearms and ammunitions.

Nakumpiska sa operasyon ang 10 heat-sealed transparent plastic sachet na may shabu at nagkakahalaga ng P300,000; may 35 improvised tooter; isang .9mm caliber Norinco pistol; isang bala ng .45 caliber pistol; isang timbangan at isang improvised lighter na may butane. (Rizaldy Comanda)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente