Dinepensahan ng Malacañang noong Biyernes ang P10-billion budget para sa pagiging punong abala ng 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), sinabing ang ekonomiya ng bansa ang makikinabang sa halagang ipinuhunan ng Pilipinas sa prestihiyosong okasyon.

“For the attendance alone, it is expected that more or less 10,000 people including 3,000 media delegates, will participate in the APEC. Each one of them will spend that will go directly to our economy,” paliwanag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. sa panayam ng Radyo ng Bayan.

Maliban kina Russian President Vladimir Putin at Indonesia President Joko Widodo, ang lahat ng lider ng 21-nation APEC ay dadalo sa Economic Leaders’ Meeting na gaganapin sa Nobyembre 17 hanggang 20 sa Philippine International Convention Center.

Hinimok ni Coloma ang publiko na tingnan ang pangmatagalang benepisyo na aanihin ng bansa sa pagiging punong abala ng APEC na muling idaraos sa Pilipinas makalipas ang 19 na taon.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“We have to look at the bigger picture. We have to invest now. What we have planted will bear fruit in the future which is the favored investment,” ani Coloma .

Sinabi ni Coloma na makatutulong din ang pagiging punong abala ng APEC sa pag-akit ng mas maraming turista sa bansa.

Ipinaliwanag ni Coloma na ang P10 billion budget ay ginamit para sa preparatory events, mga pasilidad at sa mga pagpupulong na sinimulan noong Enero.

“It is not spent for two-day economic leaders’ meeting alone,” aniya. (PNA)