Hindi makakadalo si Indonesian President Joko Widodo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa bansa sa susunod na linggo.

Napaulat na hindi rin makapupunta si Russian President Vladimir Putin sa APEC Summit.

Sinabi ni APEC Senior Officials’ Meeting (SOM) Chairperson at Foreign Affairs Undersecretary Laura del Rosario na hindi makadadalo si Widodo sa AELM ngayong taon.

“There are things in Jakarta that need some of his attention. He’ll be coming from G20 at Turkey and need to attend the ASEAN Summit in Kuala Lumpur. He decided to get a period in between to go home and address some domestic concerns,” sinabi ni Del Rosario nitong Huwebes ng hapon.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Dagdag ni Del Rosario, hindi rin tinapos ni Widodo ang kanyang pagbisita sa United States kamakailan upang harapin ang usapin ng haze sa kanyang bansa.

Gayunman, aniya, bilang kinatawan ng Indonesia ay dadalo sa APEC Summit si Indonesian Trade Minister Thomas Trikasih Lembong.

Samantala, napaulat na hindi rin makadadalo sa APEC Summit si Putin, at sa halip ay si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev ang magiging kinatawan ng Russia sa pulong, ayon sa Russian News Agency. (Madel Sabater-Namit)