Kinastigo ni Senator Francis “Chiz” Escudero sng airport authorities matapos i-ban ng mga ito ang mga mamamahayag sa pag-cover sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kasagsagan ng kontrobersiya sa “tanim-bala.”

Iginiit ni Escudero na dapat payagan ng mga opisyal ng NAIA ang mga accredited media na makapasok sa paliparan nang hindi nalalagay sa kompromiso ang seguridad ng pasilidad.

Ito ang apela ng senador kasunod ng ulat na pinagbawalan na ng airport management na makapasok ang media sa piling lugar sa NAIA Terminal 3 na dating pinapayagan ang mga ito.

Reklamo ng mga NAIA reporter, ipinatupad ang ban matapos pumutok ang isyu sa tanim-bala, na karamihan sa mga biktima ay overseas Filipino worker (OFW), turista at negosyanteng bumibiyahe.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“At a time like this when we are all trying to find the truth behind this deplorable tanim-bala modus operandi, we need the media to be free to do its work of gathering information, examining our systems, and uncovering the wrongs that may be hidden from sight,” pahayag ni Escudero.

Hindi rin dapat na tratuhin ng NAIA management na banta sa paliparan ang media, lalo na kung wala naman itong itinatagong ilegal na gawain.

“Lagi naman nating sinasabi na ang walang tinatago, hindi natatakot masilip,” ayon kay Escudero.

“We enjoy a democracy that upholds and protects the people’s right to know. Curtailing the media’s freedom to do the important work of exposing the truth cannot be justified, especially in this particular case,” dagdag niya.

(Hannah L. Torregoza)