Dahil sa sobrang kaba ng isang batang lector na unang beses nagbasa ng Salita ng Diyos sa isang misa at sa harap ng maraming tao, hindi niya sinasadyang masabi na: “This…this is the end of the world” (sa halip na word). At sumagot ang mga tao ng: “Thanks be to God!”
Naabot na natin ang huling bahagi ng liturgical calendar. Habang ginagawa natin ito, inanyayahan tayo ng Simbahan na magnilay-nilay. Ang gospel para ika-33 Linggo, idineklara ni Hesus na “The sun will be darkened; the stars will fall down, and the heavenly hosts will be shaken.” (Mk 13,24).
Simula pa noon, narami ng relihiyon ang nag-aabang sa katapusan ng mundo. Marami sa kanila ay namatay na ngunit hindi pa rin gumugunaw ang mundo.
Malinaw ang sinabi ni Jesus na: “As for that day or hour nobody knows, neither the angels of heaven, nor the Son; no one but the Father” (Mk 13,32).
Imbis na mag-aksaya ng panahon sa pagtataya kung kailan ang katapusan ng mundo, nais ni Kristo na mamuhay tayo bilang isang Kristiyanong may pananalig. Ang mahalaga ay ang KASALUKUYAN.
Ang katapusan ng mundo para sa bawat isa ay kapag siya ay namatay na o sumakabilang buhay na. Sa kamatayan, ang ating determinasyon, paghihirap at pananabik. Sa katapusan ng ating buhay, hihintayin natin ang ikalawang pagdating ng Panginoong Hesus at ang General Judgment o Parousia.
Imbis na ipahamak ang kapwa tulad ng “tanim-bala” sa mga bagahe ng mga pasahero, pagpapautang ng pera na may napakalaking interes katulad ng mga walang pusong “loan sharks”, pagnanakaw o pagpatay, gumagawa ka ba ng kabutihan, o tumutulong sa mahihirap na tao?
Kung nabasa mo na ang parabula ng Last Judgment, mapapansin mo na ang paghahatol ay hindi nakadepende sa ating talino, hitsura, kasikatan o yaman o maging ng haba ng ating mga panalangin. Siyempre, ang lahat ng ito ay importante; gayunman, ang mga ito ay mahalaga sa pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na ang mga mahihirap (basahin ang Mt. 25, 31-46).
Isang batang lalaki ang naghihirap sa impyerno. Umaga’t gabi, siya ay umiiyak sa Panginoon at nagmamakaawa na iligtas siya mula sa apoy ng impyerno. Narinig ng Panginoon ang kanyang pag-iyak at tinanong siya nito kung ano ang mga nagawa niyang mabuti noong siya ay nabubuhay pa.
Binalikan ng isang anghel ang kanyang biodata sa isang malaking computer, ngunit wala siyang nahanap na kabutihang ginawa nito maliban sa pagbigay ng gulay sa nangangailangang kapitbahay.
“Osige,” sabi ng Panginoon, “gumawa ka ng kurdon gamit ang onion string na ibinigay niyang tulong sa kanyang kapitbahay at iabot mo sa kanya.”
Ibinaba ng anghel ang kurdon at desperado itong kinuha ng batang lalaki. At sinimulan siyang hilahin papataas ng anghel.
Ngunit sa kalagitnaan, naging mas mabigat para sa kurdon na maiangat siya dahilan upang ito ay mapatid, at muli siyang nahulog sa apoy ng impyerno! (Fr. Bel San Luis, SVD)