MALUHA-LUHANG nagpaliwanag si Andi Eigenmann tungkol sa isyung pagpapa-DNA test ni Albie Casiño at lumabas na hindi ang actor ang totoong ama ng anak niyang si Ellie Belle. May pinadalhan pa ng text message ang nanay ni Albie na hindi ang anak nito ang ama ng anak ni Andi.
Siyempre, nagulat si Andi nang itanong sa kanya ang isyung ito sa presscon na ipinatawag ni PAO Chief Atty. Persida Acosta.
“There was never a DNA test. I never went up to them to ask them for anything. They’re not a part of this,” paliwanag ni Andi, ang bida sa remake ng Angela Markado na unang ginawa ni Hilda Koronel at ngayon ay bagong pelikula ng nagbabalik-produksiyon na mag-asawang Donna Villa at Carlo J. Caparas.
“They were not been a part of our lives for five years and I could not care less. So, bakit pa kailangang pag-usapan ‘yan? Bakit pa sila sumasali?” balik-tanong pa ni Andi.
Ang ipinagtataka ni Andi ay kung bakit may mga lumalabas pa ring isyu sa kanila ng dati niyang boyfriend. Gayong masaya na raw naman siya at ang kanyang anak.
“Masaya kami ng anak ko sa sarili naming buhay... si Jake kasama du’n. Hindi sila kasali, bakit sila sumasali?” aniya.
Willing din ba si Andi na ipa-DNA test ang anak niya?
“I don’t need to do that. Why? What for, for them? They’re not a part of this. Why do I need to give them a DNA test? I never asked them for anything. I’m happy with my life,” medyo iritadong sagot ng magandang aktres.
Dagdag pa ni Andi, kahit sinong ina naman daw ay maaawa sa anak na walang kamalay-malay sa pangyayari na nagagamit sa isyu.
“Masakit para sa isang ina na pinag-uusapan ‘yung anak mo that way... na parang hindi niya alam kung sino ang tatay niya, na may lalaking lumalapit sa TV at nagsasabing, ‘ay, hindi ko ‘yan anak!’ ‘tapos parang masaya pa siya about it.
“It’s very painful. I mean, I know you’re not the father, oo nga, pero bakit kailangan mong sabihin ‘yon? Kawawa naman ‘yung anak ko, di ba?” sey pa ng bagong Angela Markado.
Ito naman daw ang mensahe ni Andi para sa kay Albie:
“I know that you’re not the father, stop it, get over it. You’re not the father, there’s no issue here. Wala naman akong sinasabing siya, di ba? Parang… ano ba?” lahad pa rin ng kausap namin.
Ipinagdiinan ni Andi na never naman daw niyang sinabi kahit kailan na si Albie ang ama ng anak niya.
“Wala akong sinabi na siya ang ama. Kaya parang… ano ba? Hindi ko naman sinabi na ikaw ang tatay. Oo, siya ‘yung ‘tinuturo, pero okey na ‘yung sinabi mo minsan na hindi ikaw ang ama,”
Once and for all, sino ba talaga ang ama ng anak niya?
“When I was pregnant, Jake was there for me. He took care of us, so, he’s the father. That’s my point lang. But I think because I say that, people think na parang iba-iba ‘yung sagot ko. And sinasabi ko nga, si Jake nga ang father.
“I hope, you don’t twist my words in anyway, pero ‘yun nga, si Jake, ‘yung nandiyan, since the beginning and he loves my daughter like his own and so he’s the father, I mean, it’s as simple as that,” diretsong banggit pa ni Andi.
Kailan niya aaminin kung sino talaga ang tunay na ama ng anak niya?
“Why is it important? It’s none of anybody’s business, but mine and my family,” napaluha nang pagtatanggol ni Andi sa sarili niya. (JIMI ESCALA)