CABANATUAN CITY - Sinampahan ng disqualification case ang maybahay ni City Mayor Julius Cesar Vergara na kumakandidatong kinatawan ng ikatlong distrito ng Nueva Ecija at makakatunggali ni Gov. Aurelio Umali.

Ang petition to deny due course ay inihain ni Philip “Dobol P” Piccio, kilalang tauhan ni Umali, sa Commission on Elections (Comelec) laban kay Rossana “Ria” Vergara, na namamahala sa electric facility sa lungsod.

Sa petisyon ni Piccio, sinabi niyang kung tinalikuran ni Ria ang pagiging American citizen ay hindi pa nito nagagampanan ang oath of allegiance sa Pilipinas.

Iginiit ni Piccio na bagamat tinalikuran na ni Ria ang American citizenship nito, “hindi ibig sabihin nito na awtomatiko nang iginagawad sa kanya ang kanyang Philippine citizenship”. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito