MARIANA, Brazil (Reuters) — Pinatawan ng pangulo ng Brazil ng paunang multa na 250 million reais ($66.2 million) ang isang minahan sa timog silangan ng bansa kung saan nawasak ang dalawang dam, na ikinamatay ng siyam katao at ibinaon sa putik at mine waste ang dalawang estado sa lugar.

Inihayag ni President Dilma Rousseff ang multa matapos niyang libutin sakay ng helicopter ang lugar at kasabay ng anunsyo ng federal prosecutors sa planong makipagtulungan sa state prosecutors para imbestigahan ang mga posibleng krimen na maaaring nag-ambag sa trahedya sa minahan, na pag-aari ng BHP Billiton Ltd at Vale SA .

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'