Dalawang provincial director ng Department of Interior and Local Government (DILG) at limang municipal local government operation officer (MLGOO) ang sinibak ng DILG makaraang makitaan ng kapabayaan sa tungkulin ang pagpapatupad ng zero casualty nang manalasa ang bagyong ‘Lando’ sa Region 2 noong nakaraang buwan.

Ibinunyag ng DILG na unang sinibak sa tungkulin si Isabela Provincial Director Elpidio Durwin, matapos na may masawi sa lalawigan sa kasagsagan ng bagyong Lando.

Sinabi ni Faustino “Bogie” Dy na nakatanggap siya ng sulat mula sa DILG Region 2 tungkol sa pagsibak sa puwesto sa mga MLGOO na sina Lakambini Cayaba, ng San Mariano, Isabela; Eric Laggui, ng Tumauini, Isabela; at Vicente Sarangay, ng Cabagan, Isabela.

Sinibak din si DILG-Nueva Vizcaya Provincial Director Roberto Maribbay at ang dalawa nitong MLGOO na sina Rodney Fallorina, ng Bambang; at Roshenie Gumabao, ng Santa Fe.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa pamamagitan naman ng isang resolusyon ay umapela ang Sangguniang Panlalawigan ng Isabela upang hilingin kay DILG Secretary Senen Sarmiento na ibalik sa puwesto si Durwin dahil sa napakarami umanong magagandang proyekto at programa ang huli na naisakatuparan sa Isabela, na nagresulta sa maraming parangal na ipinagkaloob sa lalawigan.

(Fer Taboy)