MEMPHIS, Tennessee — Nagtala si Stephen Curry ng 28 puntos habang nagdagdag si Andre Iguodala ng 20 puntos nang pantayan ng Golden State Warriors ang franchise record para sa most wins sa panimula ng season sa pamamagitan 100-84 panalo kontra Memphis Grizzlies.

Nag-ambag naman si Harrison Barnes ng 19 puntos para sa Golden State, na naitala ang kanilang ika-9 na sunod na tagumpay.

Nagposte si Curry ng 9 of 21 sa field goals na kinabibilangan ng 3 of 10 sa 3-point arc kung saan nakapagtala ang buong koponan ng 11-of-27 sa kabuuan.

Nanguna naman para sa Grizzlies na sumadsad sa kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo sina Marc Gasol na may 26 puntos, Zach Randolph na may 19 puntos at Tony Allen na may 15 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakuha pang makabalik ng Memphis matapos maiawan ng 15 puntos sa first half sa ginawang pagsandal sa kanilang lakas sa pangunguna ni Randolph na umiskor ng 12 puntos sa third period para tapyasin ang kalamangan sa dalawa, 53-55.

Ngunit kumunekta si Curry sa isang 40-footer kasabay ng pagtunog ng buzzer sa pagtatapos ng third quarter para bigyan ang Warriors ng onse na puntos na kalamangan, 74-63.

Ang kabiguan ang ikaanim ng Memphis sa kanilang nakaraang pitong laro sa regular season games sa kamay ng Golden State.