Hindi pa tapos ang laban.

Ganito ang nais na tukuyin ni University of Santo Tomas Cameroonian center Karim Abdul matapos makamit ng Tigers ang unang twice-to-beat incentive makaraang talunin ang Adamson University 78-63 para isara ang kanilang elimination round campaign sa ginaganap na UAAP Season 78 men’s basketball tournament sa barahang 11-3, panalo-talo, noong Miyerkules ng hapon sa Araneta Coliseum.

“It’s just the start of a tough grind for us,” ani Abdul. “We will not stop here.”

“We are not aiming just being there(Final Four), we are aiming for the finals,” dagdag nito.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang nasabing pahayag ni Abdul ay agad namang sinegundahan ng kanilang headcoach na si Bong de la Cruz makaraang matagumpay na maibalik ang Tigers sa Final Four at may kaakibat pang bonus na twice-to-beat matapos nilang mabigong umabot noong isang taon.

“Tama yung sinabi ni Karim, hindi dito natatapos ang laban naming. Siyempre, andito na kami kaya hindi naman siguro masama na mag-ambisyon kami ng mas mataas,” ani De la Cruz.

Tatangkain ng Tigers na wakasan ang kanilang 9-year title drought matapos huling magkampeon noong 2006 sa ilalim ni coach Pido Jarencio.

Hangad din nila na mapantayan ang 19 na men’s championship titles na taglay ng Far Eastern University bilang most winningest team sa liga at makakalas sa kasalukuyang pagkakatabla nila ng University of the East sa second spot na may tig-18 titles.