YANGON (AFP) — Napanalunan ng partidong oposisyon ni Aung San Suu Kyi noong Biyernes ang parliamentary majority sa nakaraang linggong halalan na magpapahintulot ditong maghalal ng pangulo at bumuo ng gobyerno sa makasaysayang paglilipat ng kapangayrihan mula sa army.

Nasaksihan sa eleksyon, ang unang nilabanan ng partidong National League for Democracy (NLD) ni Suu Kyi simula 1990, ang malaking turnout na mahigit 80 porsyento ng mga puwesto para sa NLD.

Matapos ang paunti-unting paglabas ng mga resulta mula sa Union Election Commission, nakuha ng NLD noong Miyerkules ang two-thirds majority na kailangan nito para mamuno, inangkin ang 348 puwesto sa parliamentary na ang mga numero ay idedeklara pa.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina