Nakikipag-ugnayan na ang Office of the Court Administrator (OCA) sa pulisya sa Bulacan upang makakalap ng impormasyon kaugnay ng pagpatay kay Malolos Bulacan Regional Trial Court Judge Branch 84 Wilfredo Nieves.

Pinagbabaril si Nieves ng mga hindi kilalang salarin na sakay ng isang SUV at motorsiklo, habang ang biktima ay lulan ng kanyang sasakyan at pauwi na galing sa courtroom na nasa kapitolyo sa Malolos City, Bulacan, nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Court Administrator Jose Midas Marquez, inatasan na niya si Deputy Court Administrator Raul Villanueva para magtungo sa Bulacan upang kumalap ng karagdagang detalye sa insidente.

Ang OCA ang nangangasiwa sa lahat ng mga first level at second level court sa buong bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasama sa mga kontrobersiyal na kasong hinawakan at hinatulan ni Nieves ay ang laban sa hinihinalang pinuno ng isang sindikato ng carjacking na si Raymund Dominguez, na hinatulan niya ng guilty noong Abril 2012 at sinentensiyahang mabilanggo nang hanggang 30 taon sa carjacking. (Beth Camia)