GENEVA (AP) — Isang pambihirang laki ng blue diamond ang ipinagbili noong Miyerkules sa halagang 48.6 million Swiss francs ($48.5 million) — isang record price para sa anumang alahas sa auction, sinabi ng Sotheby, winakasan ang dalawang subasta sa Geneva na isang private Hong Kong collector sa dalawang pagkakataon ang bumili ng rare colored diamond bilang parangal sa isang nagngangalang Josephine.

Ang 12.03-carat “Blue Moon” diamond, nakapatong sa isang singsing, ay sinasabing isa sa pinakamalaking fancy vivid blue diamonds at ang showpiece gem sa Sotheby’s jewelry auction.

Ang Blue Moon — binansagang ganito dahil sa kanyang rarity, na maituturing na “once in a blue moon” — ay hinigitan ang naunang naitalang record na $46.2 million ng Graff Pink limang taon na ang nakalipas, sinabi ng Sotheby’s. Sa kanyang Twitter account, sinabi ng Sotheby’s na ang alahas ay binili ng isang Hong Kong private collector at agad na pinalitan ang pangalan sa “The Blue Moon of Josephine” — ang parehong pangalan na ibinigay sa isang pink diamond ring na ipinagbili sa halagang $28.5 million sa Christie’s sa Geneva isang araw bago nito: “Sweet Josephine.” Ito ay binili rin ng isang Hong Kong collector na hindi pinangalanan.

“Tonight we set a new world record, a new auction record for any diamond, any jewel, any gemstone, with the sale of the Blue Moon Diamond,” sabi ng auctioneer na si David Bennett. Binanggit niya ang tumpak na presyong $48,468,158. “For me, the blue moon was always the blue diamond of my career. I have never seen a more beautiful stone. The shape, the color, the purity — it’s a magical stone.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang polished blue gem ay hiniwa mula sa 29.6-carat diamond na nadiskubre noong nakaraang taon sa Cullinan mine ng South Africa, na pinagmulan din ng 530-carat “Star of Africa” blue diamond na bahagi ng British crown jewels, at ng Smithsonian Institution’s “Blue Heart” na nadiskubre noong 1908.

Sinabi ng Sotheby’s sa isang video na ang Cullinan mine ang “only reliable source in the world for blue diamonds,” at maliit na porsyento lamang ng mga matatagpuan dito ang nagtataglay ng katiting na bahid ng asul.

Nabubuo ang blue diamond kapag nahalo ang boron sa carbon nang nalikha ang bato.