Sinabi ng National Organic Agriculture Program (NOAP) ng Department of Agriculture noong Huwebes na ikaapat na ngayon ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa sa Asia sa larangan ng lupang nakalaan sa organic agriculture.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary for Special Concerns Bernadette Romulo-Puyat na mula sa initial baseline data na 14,140 ektarya noong 2006, nagawa ng NOAP na ialay ang tinatayang 101,278 ektarya sa organic farming system.
Ang mga pigura ay nakapaloob sa International Foundation for Organic Agriculture (IFOAM ) 2015 report.
“Since the inception of the program in 2012, the DA has been actively promoting the adaption of organic farming in the country. According to the latest statistics, it is undeniable that more farmers are now shifting to organic farming and more consumers now prefer organic products,” ani Romulo-Puyat.
“With this development, the Philippines now ranks as the 4th leading organic country in Asia,” dagdag niya.
Nagkataon na si Agriculture Secretary Processo J. Alcala ang pangunahing may-akda ng Organic Act of 2010, isang batas na nagsusulong ng pagpapaunlad at pagpapalakas ng organic agriculture sa Pilipinas. (PNA)